Ika-29 ng Agosto, 2014
Miyerkules
6:30AM- Nagising ako dahil sa nararamdaman kong init. Hindi init ng panahon,kundi init mismo sa loob ng katawan ko. Masyado yatang nasisiyahan ang sakit sa pananatili sa loob nito. Mabuti na lang at suspendido ang klase. Pero kahit walang pasok, may lakad ako ngayon. Oo, kahit medyo masama ang pakiramdam ko, may lakad pa rin ako.
Pupunta kami sa SM Dasmariñas ng mga kaibigan ko. Gagawin namin ang Kinect na activity sa Filipino. Iyon 'yung may sumasayaw sa screen tapos gagayahin mo. May sensor lang. Excited ako.Haha.
Hindi naman bago sa'kin ang mag-kinect/X-box kasi kamakailan lang din noong napagtripan namin 'yung gawin sa Walter Trece. Ang kaso, tiyak na iba pa rin sa pakiramdam kasi may magvivideo mamaya at mas maraming tao ang nasa arcade ng SM kumpara naman sa Walter.
Bukod doon, excited din ako kasi napagdesisyunan namin na kakain kami sa Jollibee.Miss na miss ko na kasi ang chicken joy sa Jollibee. Haha.
11AM ang usapan namin. Halos isang oras ang byahe ko papuntang SM Dasma, pero 10AM, maliligo pa lang ako. Late na tuloy akong dumating sa 7 11 sa Trece kung saan kami magkikita ni Patti.
Okay lang.Kahit late kami, kami pa rin ang pinakaunang dumating.Syempre alam na, Filipino time eh. Pero dumating din naman agad sina Nica at Jheck.
Nang makumpleto kami,dumiretso agad kami sa Quantum.Ito na--Face the Challenge.Doon namin nakita ang mga iba pa naming kaklase na katatapos lang magsayaw.Sayang at hindi namin sila napanood.
Bumili na agad kami ng token. Ilang minuto rin kaming naghintay dahil may ibang sumasayaw doon sa lugar ng Kinect.
Kaming dalawa ni Nica ang magkapartner. Syempre, practice muna. Sumayaw kami sa isang kanta na ang title ay Fergalicious. Easy lang muna ang stage na pinili namin.
Sa totoo lang, nakakahiya. 'Yung mga nagsasayaw kasi na naabutan namin, mukhang araw-araw tambay sa SM Quantum at nagkikinect palagi. Kabisado na kasi nila ang mga steps.
Pero mas nakakahiya ang isang sitwasyon. Hindi kasi namin makontrol ang sensor ng maayos. Hindi namin alam kung hindi lang ba kami ma-detect o sadyang hindi kami marunong gumamit. Nauubos tuloy ang oras namin. Nakailang hulog kami ng token. Tinatawanan na kami ng ibang kaklase namin. Pati ako, natatawa sa amin. Baka isipin ng mga tao doon, taga-bundok kami. Hahaha. Tinulungan na lang kami ng mga Kuya doon. Hindi sila staffs. Sila 'yung sinasabi kong araw-araw na yatang tambay sa SM.
Nang sumasayaw na kami, syempre, more hiya pa. Nakakatawa 'yung ibang steps. Pero wala na kaming pakialam sa mga taong nanonood sa'min. Hindi na namin 'yon naiisip habang sumasayaw. Basta, nag-eenjoy kami.
Pagkatapos naming sumayaw sa kantang Fergalicious, pinauna namin sina Jheck na kapartner si Patti at sumayaw sa tugtuging Massive Attack.
Like a G6 ang ginamit naming kanta sa sayaw namin na kunuhanan ng video.
Matapos naming gawin ang activity, naglaro pa kami ng iba. Basketball, dance revolution at kung ano pa man tawag doon sa iba.
Hindi nagtagal, nakita naming walang taong gumagamit sa isa pang kinect sa SM Quantum. Marami pa kaming tokens kaya sumayaw ulit kami. Ngayon, puro trip lang. Mas maganda pa nga yata ang kinalabasan ng trip kasi mas todo galaw kami. Puro 'hard' ang pinili naming stage at todo galaw kami para magaya ang steps. Mahirap pero nakakatuwa na nakakatawa.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumayaw at ilang tokens pa ang naihulog namin. Basta, nakasama ko sa sayaw si Nica, si Jheck, si Patti at pati na rin si Christian. Nakakapagod. Aircon sa mall, pero pinagpapawisan ako.
Medyo naramdaman ko na naman 'yung lagnat ko pero hindi ko pinansin. Iinom naman ako ng gamot mamaya eh. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nagsayaw doon. Basta, 2PM na kami kumain sa Jollibee.
Nagikot-ikot rin kami sandali at kumain ng ice cream bago tuluyang umuwi.
Sobrang nakakaenjoy ang X-box/Kinect. 'Yung tipong kahit ang tao na hindi mahilig sumayaw o hindi marunong suayaw ay maaadik sa larong ito. Kung meron lang nito sa bahay namin, ang payat ko na siguro.
Ang sarap yayain ng iba mo pang kaibigan. Siguro, tuwing pupunta kami sa SM lalo na't ang mga kaibigan ko ang kasama ko, yayain ko silang magkinect. Iyon na ang pinakagusto ko sa arcade.
Pag-uwi ko, syempre alam na.Nabinat ako.