Thursday, 9 October 2014

She's Dating the Gangster: Wattpad-Published Book-Movie Adaptation



(Photo Source: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg-FCJkc5v8ozBnPe9fcYrP0h3msPcc4bsiEaasZfETrXM2TusATVBekF-pRFoRA106S9PqZN5tu4Ex0Mru1s8FsYjJyhf8wTHQ1_YAQnvLNvaFuqEkLHH7vQQu58Y5GxsHKzPq0gDLHlc/s1600/She's+Dating+The+Gangster.jpg)

She's Dating The Gangster: Wattpad-Published Book-Movie Adaptation


I. INTRODUKSYON

          "I can't breathe."  
           Tatlong salitang tumatak sa bawat puso at isipan ng mga taong nakabasa na ng istoryang She's Dating The Gangster na di kalaunan ay nasaksihan din sa big screen. I can't breathe?Hindi ako makahinga? Oo, 'yan ang ibigsabihin ng mga salitang ito, ngunit, kung ang usapan na ay sina Athena Dizon at Kenji Delos Reyes, iba na. Mabigat. Ito ang mga salitang ginamit bilang katumbas ng "Mahal kita." Matindi ang naging epekto ng istoryang ito sa mga mambabasa. Karamihan ay napaluha,napahagulgol,kinilig,tumawa,nainis,nagalit.Halu-halong emosyon. Ika nga nila, ang SDTG ay isa sa mga libu-libong istorya sa wattpad na nakagawa na ng sariling pangalan. May tatak.Kilala.Pinapahalagahan ng lahat ng mga mambabasa. 
              Marami ng napagdaanan ang istoryang ito. Ngunit, atin munang balikan kung paano ito nagsimula. Ano nga ba ang pagkakaiba ng kwentong She's Dating The Gangster sa wattpad, sa libro at sa pelikula?



(Photo Source:http://33.media.tumblr.com/b14acd6eac55ae7ff0f8f541449cc549/tumblr_mvfjtcTyB61qe02e2o1_500.jpg)

II. SHE'S DATING THE GANGSTER

               Ang kwentong She's Dating The Gangster ay isinulat ng isang 27-year-old writer na si Bianca Bernardino noong taong 2007. Sa katunayan, hindi ito sa wattpad pinakanagsimula. Taon 2007, isulat ito ni Ms. Bernardino sa Candy Mag.com Teen talk. Nang magsimula ang pag-usbong ng wattpad.com sa Pilipinas, inilipat ito ni Ms.Bernardino, taon 2008. Dito rin siya nakilala bilang si SGWannaB-ang kanyang username sa wattpad. 
              Sumikat ang kwentong ito habang patagal ng patagal. Umani ito ng milyon-milyong mambabasa pati na rin ng mga libu-libong boto at mga komento. Ito marahil ang naging susi upang mapansin ang kwentong ito ng isang publication-Summit Media Pop Fiction Books at nagbigyan ng opurtunidad na maisa-aklat, taon 2013.Isinapubliko ito sa lahat ng leading bookstores sa bansa na di kalauna'y naging best seller din.
              Taong 2014,buwan ng Abril, nagsimula ang pagpasok ng wattpad stories sa industriya ng pelikula. Unang naisapelikula ang Diary ng Panget na isinulat ni Paoline Ides o mas kilala bilang HaveYouSeenThisGirl, at sinundan naman ng kwentong ito na ipinalabas noong buwan ng Hulyo sa ilalim ng Star Cinema na kumita rin ng milyon-milyong halaga.Isang patunay na maraming mambabasa ang nagmamahal sa istoryang 'She's Dating The Gangster.'


( Photo Source:
http://www.summitmedia.com.ph/images/articles/201402/sdtgsigning_main3.jpg )










(Photo Source:http://shesdatingthegangster.tumblr.com/page/3)




III. ANG ISTORYANG SHE'S DATING THE GANGSTER

A. PINANGYARIHAN

Southern University - kung saan nag-aaral si Athena, Kenji, Jigs, Kirby, Grace at Sarah bilanng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng sekondarya.
Korea - Kung saan lumaki sina Athena,Sarah at Nathan.
Philippines - Kung saan mag-mamigrate si Athena at mag-aaral.


B: MGA TAUHAN

  
Athena Dizon -Bidang babae. Dugong Pilipina ngunit lumaki sa Korea. Mapagkakamalang si Athena Abigail.
Kenji Delos Reyes - Bidang lalaki. Isang pasaway at ala-gangster na lalaki kung kumilos.
Athena Abigail Tizon - Ex-girlfriend ni Kenji Delos Reyes na gusto niyang balikan. 
Lucas Lazaro - Boyfriend ni Athena Abigail na di kalauna'y magkakagusto rin kay Athena Dizon.
Sarah Jung - bestfriend ni Athena Dizon simula pagkabata.
Grace Matic, Jigs Bala, Kirby Araneta - mga kaibigan ni Kenji Delos Reyes na magiging kaibigan din nina Sarah at Athena Dizon.
Nathan Dizon- Half-brother ni Athena Dizon. 
Pamilya ni Athena
Pamilya ni Kenji Delos Reyes

C. BUOD

Nagsimula ang lahat nang mapagkamalan ni Kenji Delos Reyes si Athena Dizon bilang ang kanyang ex-girlfriend na si Athena Abigail Tizon.Niyaya niya itong makipagkita sa kanya upang makipag-usap at ayusin ang relasyon nila. Sa kabilang banda, dahil walang magawa si Athena sa mga panahong 'yon, sinabi niyang makikipagkita siya kahit ang totoo ay ni wala siyang balak kahit magpakita man lang dahil unang-una, hindi siya si Athena Abigail. Nalaman ito ni Kenji at balak niyang pagbayarin si Athena sa ginawa sa kanya. Nagkataon naman na naging magkaklase sila.

Ayaw na ayaw ni Athena kay Kenji dahil para sa kanya, gangster ito. Nag-iinom, naninigarilyo, palamura at madalas magcutting classes. Ayaw din naman ni Kenji kay Athena dahil nga sa panlolokong ginawa nito sa kanya. Ngunit, naisip ni Kenji na maari niyang utusan si Athena na magpanggap na girlfriend niya sa harap ni Athena Abigail at pagselosin ito upang bumalik sa kanya. Ito ang kabayaran ni Athena sa panlolokong ginawa niya kay Kenji.

Patuloy lang sila sa pagpanggap hanggang sa 'di nagtagal ay nahulog na rin sila sa isa't-isa.

Nakaranas sila ng ilang problema ngunit magkasama nilang hinarap at inayos ito. Masaya sila sa kanilang pagmamahalan maging ang mga kaibigan nila. Nakalimutan na rin ni Kenji ng tuluyan si Athena Abigail.

Ngunit, dumating ang pinakamalaking pagsubok sa buhay ni Athena na makakaapekto rin sa buhay ng mga taong nasa paligid niya lalung-lalo na si Kenji. Nalaman niyang namana niya ang sakit ng pumanaw niyang ina. Ito ang cardio myopathy. Ayaw niayng sabihin ito kay Kenji dahil ayaw niyang mag-alala ito. Mas pinili niyang magsinungaling at sabihing hindi niya talaga mahal si Kenji. Sumama rin siya kay Lucas na boyfriend talaga ni Athena Abigail ngunit may gusto rin kay Athena Dizon.

Samantalang nagbalik rin sa buhay ni Keni si Athena Abigail. Nalaman ni Kenji ang tunay na dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kanya ang babae noon. May sakit rin si Athena Abigail. Stomach cancer. Nalaman ito ni Kenji at mas piniling samahan si Athena Abigail. Ayaw kasing magpa-opera ng babae hangga't 'di niya kasama si Kenji samantalang ayaw rin namang magbalik ni Kenji kay Athena Dizon dahil sa pananakit nito sa kanya.

Sa kabilang banda, ayaw ring magpa-opera ni Athena. Hinayaan niya lamang lumala ang sakit niya kaysa magpa-opera at palitan ang puso niya. Gagaling lang kasi siya kung magpapaheart transplant siya.

Hindi nagtagal ay nalaman ni Kenji ang sakit ni Athena sa tulong ng mga kaibigan niya. Pinagsisisihan niya ang ginawa niyang pang-iiwan kay Athena at binalikan ito. Ipinaliwanang niya rin kay Athena Abigail ang lahat na natanggap din naman ng babae. Gusto na sanang magpa-opera ni Athena, ngunit huli na ang lahat. Kumalat na ang sakit niya at ayon sa doktor, mas lalong mapapaikli ang buhay niya kung ooperahan pa siya.

Hindi matanggap nila Kenji ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Athena ngunit sinulit nila ang mga panahong nananatili silang magkasama kahit nanghihina si Athena. 

Napagdesisyunan ni Kenji na pakasalan si Athena kahit alam niyang siya ang mahihirapan sa huli dahil maiiwan siyang mag-isa.

Pagkatapos ng kasal, ilang linggo lamang ang lumipas bago tuluyang nawala si Athena. Hindi ito matanggap ni Kenji ngnit tinulungan siya ng mga kaibigan nila at ng pamilya niya at ni Athena na lumaban.

Makalipas ng isang taon, nagbalik si Kenji mula sa Jeju island sa Korea na may dalang larawan ni Athena. Doon niya ginugol ang panahon niya sa kanilang anibersaryo. Isa kasi 'yon sa pangarap ni Athena, ang pumunta sa Jeju island kapag isang taon na silang mag-asawa ni Kenji. Tinupad ito ng lalaki kahit siya na lamang mag-isa.

Sakto namang isang taon din ng pagkawala ni Athena ang araw na nagbalik si Kenji galing Korea. May binigay sa kanya ang bestfriend ni Athena na si Sarah. Isa iyong video tape. Ang sabi ni Sarah, binilinan siya ni Athena na ibigay lamang iyon kay Kenji pagkalipas ng isang taon ng pagkawala niya.

Pinanood ni Kenji 'yon sa kwarto ng mag-isa. Parang bumalik ang lahat ng sakit sa puso niya. Nagbalik rin ang ala-ala kung paano sila nagkakilala ni Athena. Lalong nalungkot si Kenji nang sabihin ni Athena sa video tape na "Hindi naman siguro masama kung gustuhin kong sumunod ka na sa akin."

Sinabi ni Athena na isang biro lamang 'yon ngunit walang pag-aatubiling nag-video rin si Kenji para sa pamilya at mga kaibigan niya. Kinuha niya ang boteng matagal-tagal niya ng itinago sa cabinet.

"I love you this much Athena.Eonjena. Yeonwonhee." (Always and Forever). Ito ang huling salitang nagmula kay Kenji.

D. MGA LENGGWAHENG GINAMIT

      Tagalog
      Hangul(Korea)
      English

E. POINT OF VIEW
  
      First Person

IV. WATTPAD VERSION

-Taon 2008 inilipat ni  Ms. Bianca Bernardino ang kwentong She's Dating The Gangster sa wattpad mula sa candy mag.com. Ito ay mayroong 50 chapters bukod ba ang prologue at epilogue.

A. PINANGYARIHAN

     Southern University, Korea, Philippines

B. MGA TAUHAN

     Walang nabago sa mga tauhan sa wattpad. Kumpleto silang lahat at bawat isa ay mayroong sari-saring point of view. Bawat isa rin sa kanila ay may mahalagang parte sa istorya.

C. BUOD

     Ganoon pa rin ang buod ng istorya ngunit mayroon itong tinatawag na mga side stories. Ibigsabihin, hindi lang sina Athena at Kenji ang inikutan ng istorya. Kahit kwento nila ang piinaka-focus, nabigyang pansin pa rin ang buhay ng kanilang mga kaibigan

D. MGA LENGGWAHENG GINAMIT
 
         Tagalog
          Hangul(Korean)
          English

E. POINT OF VIEW

         First Person



(Photo Source: http://www.publishersweekly.com/images/data/ARTICLE_PHOTO/photo/000/020/20814-1.JPG)

-Ayon sa mga mambabasa, maraming ang nakadama ng emosyon sa version  na ito. Marami ang naiyak at mas damang-dama ang bawat eksena.






V. BOOK VERSION

-Taon 2013 nang bilhin ng Summit Media ang copy rights kay Ms. Bernardino upang isalibro ang akda na di kalauna'y naging best seller din. Ito ay mayroon lamang 18 chapters maliban sa prologue at epilogue. Nabanggit kanina na ang kwentong ito sa orihinal na akda sa wattpad ay mayroong 50 chapters. Lagpas kalahati ang nabawas at ito ang mga dahilan.


  • Edited ang nasa libro. Ilang beses itong inedit ng may-akda at ng publisher bago tuluyang inaprubahan.
  • Tinanggal ang mga side stories. Ang kwentong ito ay mas naka-pokus na lamang sa kwento ni Athena at Kenji. Nawala ang ibang anggulo ng istorya.
  • Mas pormal ang nasa libro. Isinalin din ito sa wikang Ingles.
 (Photo Source:http://d.gr-assets.com/books/1387299594l/19540454.jpg)

Tatlong beses naglabas ng iba't-ibang bersyon ng librong SDTG. Una ay itong 18 chapters, sumunod ang extended edition at nagreprint ang Summit Media ng unedited at uncut version(kapareho ng nasa wattpad)noong malapit na itong ilabas bilang pelikula.


A. PINANGYARIHAN

     Southern University, Korea, Philippines

B. MGA TAUHAN

     Kumpleto ang mga tauhan ngunit hindi nabigyang halaga ang iba dahil sa mga pangyayaring tinanggal sa libro na meron sa wattpad. 

C. BUOD

     Ganoon pa rin ang buod ng istorya ngunit tinanggal ang mga side stories. Ang tanging binibigyang panisn nito ay ang kwento ni Athena at Kenji at kung paano nila nilabanan ang mga problemang hinarap nila.

D. MGA LENGGWAHENG GINAMIT

     Ang book version ng She's Dating the gangster ay isinalin sa wikang Ingles ngunit nandoon pa rin ang ilang parte na nagsasalita si Athena ng Hangul(Korean language) dahil siya ay lumaki sa Korea.

E. POINT OF VIEW

      First Person


-Ayon sa mga mambabasa, maganda ang libro ngunit kulang ito sa pagpapadama ng emosyon marahil sa wikang ginamit. Marami sa kanila ang mas nagustuhan ang wattpad version. Maraming ring senaryo ang tinanggal sa wattpad pagdating sa libro, kung kaya't ang ilan ay nadismaya. Gayunpaman, marami pa rin ang tumangkilik sa libro.


( Photo Source: http://www.wattpad.com/22665131-rants-%E2%9C%94 RANTS by SushiMariaaa)

VI. MOVIE ADAPTATION



(Photo Source:http://philnews.ph/wp-content/uploads/2014/07/Shes-Dating-The-Gangster-Poster.jpg,https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEguILBVH2qYvq7nVRV-po06SdabgQ9N1JtC_erqd09IGcmfWy5HCpV2cEits_MZUjdN9spgx-BEtkRyNLrHeaGvOWBoji9-VM4_yn0uLHDpCXJCd5_m-R04e61KUGfsXAa4U4AxDEHR41Y-/?imgmax=800)

-Taon 2014, nito lamang buwan ng Hulyo, ipinalabas sa lahat ng sinehan ang movie adpatation ng akdang She's Dating The Gangster na umani rin ng milyun-milyong kita.

-Sa katunayan, marami ang nababahala bago ipalabas ang pelikula sapagkat napakaraming binago. Magmula sa buod ng kwento hanggang sa pinka-konsepto.

A. PINANGYARIHAN

     Hindi binanggit ang eskwelahan nila Athena sa pelikula ngunit pinakita na magkaklase sina Kenji at Athena. Karamihan pa rin naman sa mga senaryo ay kinuhanan sa eskwelahan. Tinanggal ang mga pangyayaring naganap sa Korea at ginawang puro Pilipinas ang pinangyarihan.

B. MGA TAUHAN

    Naroroon pa rin naman sa pelikula ang mga tauhan ngunit mayroon din silang dinagdag. Ito ay sina:

     Kenneth Delos Reyes- anak ni Kenji Delos Reyes kay Athena Abigail Tizon.
     Kelai Dizon- pamangkin ni Athena Dizon.


C. BUOD

       Malaki ang naganap na pagkakaiba sa buod ng pelikula kaysa sa buod ng istorya mula sa wattpad at libro, ngunit naroroon pa rin ang komplikasyon na mayroon sakit si Athena Dizon at Athena Abigail.

      Sa pelikula, sinumulan nila ang istorya sa kasalukuyang nagaganap. Hindi inaasahang magkikita sina Kelai at Kenneth. Makilala ni Kelai si Kenneth at siya ang magkukwento dito ng naging "love story" ng kanyang tiya at ng ama ni Kenneth na si Kenji.

     Hindi rin agad namatay si Athena ngunit lumayo lamang siya kay Kenji. Nauna pang mawala si Athena Abigail kaysa kay Athena Dizon. 

    Sa wattpad at libro, hindi rin alam ni Athena na may sakit siya, ngunit sa pelikula, alam niyang 'yun ang magiging problema.

      Namatay pa rin sa huli si Athena Dizon nang muli silang magkitra ni Kenji Delos Reyes, ngunit, hindi sumunod ang lalaki sa kanya bagkus ipinagpatuloy ang buhay ng masaya kasama ang kanyang anak na si Kenneth na siya namang nahulog sa pamangkin ni Athena Dizon na si Kelai.

D. MGA LENGGWAHENG GINAMIT

      Tagalog, English 

E.KONSEPTO

     Inamin ng may-akda na si Bianca Bernardino na na-inspire siyang sumulat dahil sa mga koreanovelas kaya naman kapansin-pansin rin ito sa istorya. 'Bad boy' ang imaheng binuo niya kay Kenji na marami naman ang nagkagusto, ngunit, marami rin ang nadismaya ng piliin ng direktor na gawing 70's 80's ang tema ng pelikula. Marami pa ngang nagsasabi na 'albularyo' ang nasa pelikula at hindi gangster.

SHE' DATING THE GANGSTER FULL TRAILER


- Noong una,naging sandamakmak ang bashers ng SDTG dahil sa mga pagbabagong ginawa sa kabuuan ng istorya ngunit nabago rin naman ito noong mapanood nila ang pelikula. Naging matagumpay pa rin ito at pumatok sa takilya. Marahil, nabigyang buhay pa rin ng mga aktor/aktres ang mga imaheng binuo lamang ng may-akda sa isipan ng mga mambabasa noon.


VII. KONKLUSYON

            -Hindi na maiaalis ang pagpuna ng mga tao sa bawat bagay.Maging ang istoryang She's Dating The Gangster ay hindi nakaligtas. Ngunit, iisa lang ang tiyak. Basta't minahal nila ang isang bagay, susuportahan at susuportahan pa rin nila ito hanggang sa huli. Oo nga't maraminng binago sa kwento ng dahil sa pagsasalin-salin nito, dumami ang haters, marami ang nagsasabi ng kanilang pagkadismaya, pero sa huli tinanggap pa rin nila. Sa mga ganitong pagkakaraon, lalo na sa mga libro o kwentong isasalin mo gagawing pelikula, nakadikit na ang mga komento ng iba't-ibang tao. Ngunit, kahit anong mangyari, mababago at mababago pa rin 'yan sa huli.




(Photo Source: https://c2.staticflickr.com/4/3807/12642420804_b25a36c2c1_z.jpg)


Sunday, 14 September 2014

Hindi Biro


"Estomo,ano ba yan?!Wala ka namang nawawalis!Pati pagwawalis,mali-mali ka."


May panibagong activity sa Filipino.Maaring ang iba sa'min ay maging barker,magtinda ng sampaguita,maglako ng kalamay,maging street sweeper,magtinda ng kandila at magbahagi ng salita ng Diyos.Naeexcite ako,kasi 'di ba?Parang ang saya lang.Ang gandang trip.Inaasam kong makuha ang pagiging barker.Matagal ko na kasing gusto maranasan 'yon.Pangatlo ako sa bilangan,at heto, na-assign ako bilang street sweeper.



Street sweeper?Ano bang unang reaksyon ko?Wala.Sa totoo lang,sa lahat ng pagpipilian,ito ang pinakaayaw ko.Parang ang boring kasi.Simple lang.Walang thrill.Gusto ko sanang makipagpalit,pero ewan ko,bukod sa bawal e parang hindi ko rin magawang ipagpalit.Ang gulo 'no?Ilang beses pa akong nagreklamo sa mga kaibigan ko.Kasi nga pakiramdam ko,boring ang nabunot ko.Pakiramdam ko, walang kaibahan 'yon sa pagwawalis ko sa tapat ng bahay namin.

Dumating ang Biyernes.Ika-12 ng Setyembre,2014.Dumiretso kami ng mga kagrupo kong sina Lizette,CH at Steph sa kapitolyo ng Trece Martires.Kasama rin namin ang aming kaklase na si Ben na siyang naging camera man. Pagdating doon, naniniwala na siguro akong swerte kami.Wala kasing masiyadong kalat kundi mga dahon lamang na naglaglagan sa mga puno.


Masaya kaming kinausap ng mga street sweeper doon. Marami sila.Si Kuya Noel nga lang ang kilala namin sa pangalan dahil siya ang nagrepresenta na magga-guide sa'min.


Bago kami mag-umpisa,biglang may ala-alang nagbalik sa isipan ko.


"Estomo,ano ba yan?!Wala ka namang nawawalis!Pati pagwawalis,mali-mali ka." Lumapit sa'kin ang adviser ko nung grade 6. Nagalit siya sa'kin dahil hindi ako marunong magwalis. Hindi ko makalimutan 'yon.Aminado ako. Napahiya ako ng mga panahong 'yon. Hindi kasi naging maganda ang tono ng pagsita niya sa'kin. 


Napaisip ako.Ewan ko kung bakit.Nakatadhana kayang mabunyag na hanggang ngayon, hindi pa rin ako marunong magwalis?


Kinuha ko ang mahabang walis.Pakiramdam ko kasi nasa Hogwarts ako.'Di ba?Ala Harry Potter lang.Nagsimula ng kumuha si Ben ng video at ako pa ang nagbigay ng introduksyon.


Ayan na..Magwawalis na.Alam kong palpak na naman ako e.Nararamdaman ko, at...


TADA! Mali na naman ang hawak ko sa walis.Tinuruan ako ni Kuya Noel.Pero ngayon, hindi ako nakaramdam ng hiya.Natatawa na lang ako sa sarili ko. Grade 6? 2nd year college?Ang haba na ng panahong lumipas pero hanggang ngayon,palpak pa rin ako sa pagwawalis. 


Ilang minuto ang lumipas, naging komportable na rin ako sa mahabang walis. Ano nga ulit ang sabi ko? Boring.Walang thrill. Kamusta naman ang hirap? 


Oo nga't puro dahon lang ang kalat. Pero ang hirap pa rin pala. 'Yung hangin na paulit-ulit umiihip sa mga dahong naipon mo na. 'Yung init ng araw na tumatagos sa long sleeves na suot ko. 'Yun ang mga bagay na kalaban ng pagiging street sweeper.


Isang oras?Tatlumpung minuto?Gaano ba kami katagal nagwalis?Saglit lang. Walang-wala sa araw-araw nilang pagwawalis pero ramdam na namin ang hirap at pagod. Kung hindi dahil sa mga tindera at mga pulis na nagbibiro sa'min, marahil mas naramdaman namin ang hirap.


Lumipat kami ng pwesto dahil malinis na doon sa isa.Pero ilang minuto lang,napasulyap ako sa unang winalisan namin.Meron na namang mga nakakalat na dahon.


Napatanong tuloy ako kay Kuya Noel. "Kuya, hindi po ba kayo nahihirapan sa pagiging street sweeper?" "Hindi.Kapag araw-araw mong ginagawa,masasanay ka na." sabi niya sabay tawa.


Tatlong taon na palang street sweeper si Kuya Noel.Okay naman daw ang sahod nila.Hindi nadedelay, pero syempre, maraming kaltas. Tinanong ko rin siya kung hindi niya ba naiisipan na lumipat ng trabaho. Ang sabi niya, hindi na.Mahirap makapasok at kahit nga sa pagiging street sweeper, maraming nag-aapply.


Masayahin si Kuya Noel. Sinusubukan kong hanapin sa mukha niya ang bahid ng kapaguran o kaya ng reklamo sa trabaho, pero wala. Masaya niyang ginagawa ang gampanin niya. Araw-araw.





Lagpas alas dose ng tanghali kami tumigil. Minungkahi rin ni Kuya Noel na kumain na kami ng tanghalian. Sinauli namin ang mga kagamitan sa lugar na pinagkuhan namin. Hindi ko mailarawan. Basta may upuan lamang doon. Naroon ang iba pang street sweepers. Ang sabi nila, alas dos ng hapon sila muling magwawalis.

Nang makita ko sila, lalo akong namangha. Ni-isa sa kanila, walang nagrereklamo. Masaya silang nabibiruan at nagtatawanan. Para silang tropa, o di kaya pamilya. Batid nilang nakakapagod ang trabaho nila, pero hindi nila ito iniinda.Bukod doon, nalaman ko ring sila pala ang nag-iispray ng anti-dengue sa mga eskwelahan tuwing weekends. O di ba?Salamt sa kanila. Iwas dengue.


Bigla akong nahiya sa sarili ko. Ano bang hinahanap ko sa gawain? Thrill? Hindi pala ganon yun.


Ang sabi nga ni Ben, "Ang hirap pala talaga sa real world."


Sa pagiging street sweeper ko ng ilang minuto, may napagtanto ako. Hindi naman mahalaga ang thrill.Dahil kung papasok ka na talaga sa real world,hindi mo na maiisip 'yon. Iba ang thrill sa realidad. Ibang-iba.


Marahil trip sa'kin ang ganito, pero trabaho ito para sa ibang tao. Hindi biro ang pagiging street sweeper.Saludo ako sa kanila.



Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to, kaya ayan, niyaya ko silang mag-groupie.Isang ala-ala na malaki ang naging bahagi sa buhay estudyante ko.

Ilang taon na lang, papasok na rin kami sa 'real world.' Mabuti na lang at may natutunan ako sa pagiging street sweeper ko ng ilang minuto.


Bukod doon, natuto pa akong humawak ng mahabang walis. Achievement 'yon!


---

Friday, 29 August 2014

Kinect Overload!


Ika-29 ng Agosto, 2014
Miyerkules

6:30AM- Nagising ako dahil sa nararamdaman kong init. Hindi init ng panahon,kundi init mismo sa loob ng katawan ko. Masyado yatang nasisiyahan ang sakit sa pananatili sa loob nito. Mabuti na lang at suspendido ang klase. Pero kahit walang pasok, may lakad ako ngayon. Oo, kahit medyo masama ang pakiramdam ko, may lakad pa rin ako.

Pupunta kami sa SM Dasmariñas ng mga kaibigan ko. Gagawin namin ang Kinect na activity sa Filipino. Iyon 'yung may sumasayaw sa screen tapos gagayahin mo. May sensor lang. Excited ako.Haha.

Hindi naman bago sa'kin ang mag-kinect/X-box kasi kamakailan lang din noong napagtripan namin 'yung gawin sa Walter Trece. Ang kaso, tiyak na iba pa rin sa pakiramdam kasi may magvivideo mamaya at mas maraming tao ang nasa arcade ng SM kumpara naman sa  Walter.

Bukod doon, excited din ako kasi napagdesisyunan namin na kakain kami  sa Jollibee.Miss na miss ko na kasi ang chicken joy sa Jollibee. Haha.

11AM ang usapan namin. Halos isang oras ang byahe ko papuntang SM Dasma, pero 10AM, maliligo pa lang ako. Late na tuloy akong dumating sa 7 11 sa Trece kung saan kami magkikita ni Patti.

Okay lang.Kahit late kami, kami pa rin ang pinakaunang dumating.Syempre alam na, Filipino time eh. Pero dumating din naman agad sina Nica at Jheck.

Nang makumpleto kami,dumiretso agad kami sa Quantum.Ito na--Face the Challenge.Doon namin nakita ang mga iba pa naming kaklase na katatapos lang magsayaw.Sayang at hindi namin sila napanood.

Bumili na agad kami ng token. Ilang minuto rin kaming naghintay dahil may ibang sumasayaw doon sa lugar ng Kinect.

Kaming dalawa ni Nica ang magkapartner. Syempre, practice muna. Sumayaw kami sa isang kanta na ang title ay Fergalicious. Easy lang muna ang stage na pinili namin.

Sa totoo lang, nakakahiya. 'Yung mga nagsasayaw kasi na naabutan namin, mukhang araw-araw tambay sa SM Quantum at nagkikinect palagi. Kabisado na kasi nila ang mga steps.

Pero mas nakakahiya ang isang sitwasyon. Hindi kasi namin makontrol ang sensor ng maayos. Hindi namin alam kung hindi lang ba kami ma-detect o sadyang hindi kami marunong gumamit. Nauubos tuloy ang oras namin. Nakailang hulog kami ng token. Tinatawanan na kami ng ibang kaklase namin. Pati ako, natatawa sa amin. Baka isipin ng mga tao doon, taga-bundok kami. Hahaha. Tinulungan na lang kami ng mga Kuya doon. Hindi sila staffs. Sila 'yung sinasabi kong araw-araw na yatang tambay sa SM.

Nang sumasayaw na kami, syempre, more hiya pa. Nakakatawa 'yung ibang steps. Pero wala na kaming pakialam sa mga taong nanonood sa'min. Hindi na namin 'yon naiisip habang sumasayaw. Basta, nag-eenjoy kami.

Pagkatapos naming sumayaw sa kantang Fergalicious, pinauna namin sina Jheck na kapartner si Patti at sumayaw sa tugtuging Massive Attack.

Like a G6 ang ginamit naming kanta sa sayaw namin na kunuhanan ng video.

Matapos naming gawin ang activity, naglaro pa kami ng iba. Basketball, dance revolution at kung ano pa man tawag doon sa iba.

Hindi nagtagal, nakita naming walang taong gumagamit  sa isa pang kinect sa SM Quantum. Marami pa kaming tokens kaya sumayaw ulit kami. Ngayon, puro trip lang. Mas maganda pa nga yata ang kinalabasan ng trip kasi mas todo galaw kami. Puro 'hard' ang pinili naming stage at todo galaw kami para magaya ang steps. Mahirap pero nakakatuwa na nakakatawa.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumayaw at ilang tokens pa ang naihulog namin. Basta, nakasama ko sa sayaw si Nica, si Jheck, si Patti at pati na rin si Christian. Nakakapagod. Aircon sa mall, pero pinagpapawisan ako.

Medyo naramdaman ko na naman 'yung lagnat ko pero hindi ko pinansin. Iinom naman ako ng gamot mamaya eh. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nagsayaw doon. Basta, 2PM na kami kumain sa Jollibee.

Nagikot-ikot rin kami sandali at kumain ng ice cream bago tuluyang umuwi.

Sobrang nakakaenjoy ang X-box/Kinect. 'Yung tipong kahit ang tao na hindi mahilig sumayaw o hindi marunong suayaw ay maaadik sa larong ito. Kung meron lang nito sa bahay namin, ang payat ko na siguro.

Ang sarap yayain ng iba mo pang kaibigan. Siguro, tuwing pupunta kami sa SM lalo na't ang mga kaibigan ko ang kasama ko, yayain ko silang magkinect.  Iyon na ang pinakagusto ko sa arcade.

Pag-uwi ko, syempre alam na.Nabinat ako.

Tuesday, 26 August 2014

Anyare?

Ika-23 ng Agosto, 2014
Saturday



"Is everything ready?"

"Yes, sir."

Abala ang lahat.Takbo rito,takbo roon.Pabalik-balik.Nakakahilo. 

Nakaupo ako sa isang tabi kasama ang mga kamiyembro ko.

Hindi ko malaman ang gagawin ko.Unang beses ito. Hindi ko rin malaman kung paano ako nasali sa grupong ito.

SNSD Girl's Generation. Isang K-POP group.

Uulitin ko.Hindi ko talaga alam kung paano ako napasali dito.Nakapanood lamang ako ng mga videos nila.

Maririnig ang sigawan ng mga tao sa labas mula rito sa backstage.

May concert kasi kami ngayon dito sa Pilipinas.

Maya-maya lang, naghanda na kami sa likod ng entablado.

Bumukas ang kurtinang makapal.

Lumiwanag ang buong entablado.

Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao.

Tumugtog ang kanta namin na pinamagatang "I Got A Boy."

Lahat kami, todo sa pag-indak at pagkanta.

Nawala ang kabang nararamdaman ko kanina.

Masaya kaming nagpeperform sa entablado.

Sinisigaw ng mga tao ang mga pangalan namin.

Nagkatinginan kami ng kamember ko na si Hyoyeon. Nginitian niya ako.

Natapos ang tugtugin.

Kanya-kanya kaming project para sa last pose namin bago muling umalis sa entablado. 

Kailangan naming maghanda para sa susunod na bilang.

Tinawag ako ng manager namin ng may ngiti sa labi.

Naglakad ako papalapit sa kaniya.

Ilang hakbang na lang bago ako makarating sa lugar niya ng may naramdaman akong kung ano sa kili-kili ko.

Maya-maya, tumunog ito.

"38.5.Tsk."

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.

Nasa tabi ko si mama habang hawak-hawak ang digital thermometer.

"Anong nararamdaman mo?"

"Masakit po ulo ko."

"38.5 degrees na lagnat mo."

Tumayo siya,Pumunta sa kusina at nagbasa ng tuwalya.

Napahawak ako sa noo ko. Sobrang init.

Panaginip pala ang kanina.

Medyo natawa pa rin ako ng bahagya kahit masama ang pakiramdam ko.

Member ako ng SNSD? Anyare?

----

Ika-24 ng Agosto, 2014
Sunday



Ang sama ng pakiramdam ko. Umabot na sa 39.3 ang lagnat ko base sa huling check kanina.

Inirekomenda ng ate ko na ipacheck-up ako bukas. Pero ayoko.

Baka tusukin ako ng karayom. Nakakatakot.

Ayoko talaga ng karayom.

"Ate, pwede namang hingian ng certification 'yung doktor para ma excuse siya kung aabsent siya 'di ba?"

Narinig kong tanong ni mama kay ate mula sa kwarto ko.

Sa totoo lang, buong araw na akong nakahiga sa kwarto ko. Nakakangalay.Tapos ang ulo ko, parang bibiyakin sa sakit.

Pero ano raw?Aabsent ako?

Hindi pwede!Midterm namin sa PE!Maglalaro pa kami ng doubles sa badminton.

Nag-vibrate ang phone ko. Nagtext si Ate Lovely. Hindi siya makakapasok ng ilang weeks kasi may bulutong siya at mataas din ang lagnat.

Binitawan ko ang phone ko. Ang malas naman namin.

Pero thanks God. Gumaling ako nang Tuesday.

Nakapasok ako.

Pero pagdating ko sa quadrangle,wala ang mga kaklase ko maliban kay Danielle Patrice Fabito.

Ang sabi niya, hindi raw natuloy ang laro sa PE at pwede ng umuwi.

Niyaya ko na siyang umuwi dahil kailangan ko pa ngang magpahinga.Kagagaling ko lang sa sakit.

Tinanggihan niya ako. Niyaya niya akong manood ng mga nagpaparaktis ng ballroom dancing para sa Intramurals.

Nagtalo kami.

Ngunit, dumating si ate Lovely.

Naka-uniform.

Pero mukhang hindi pa siya magaling.

Pumasok siya kahit may mga bulutong pa at kahit mataas pa ang lagnat.

Lumapit kami sa kaniya.

Ang sabi niya, ayos lang naman siya at hindi nakakahawa ang bulutong.

Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap.

Niyakap ko rin siya ng nakangiti.

Napabalikwas ako sa kama.

Napatingin ako sa paligid ko.

Walang nagpapraktis ng ballroom.Wala si Patti,wala si ate Love. 

Hindi ito quadrangle.

Anyare?

Napatingin ako sa tabi ko.

Nandoon ang cellphone na kani-kanina lang ay binitawan ko.

----

Ika-25 ng Agosto,2014
Monday



Lunes ngayon pero walang pasok.

Dapat nasa SM Dasma ako kasama ang mga kaibigan ko.

Magkikinec pa naman sana kami.

Kaso hindi ako pinayagan. Sa Wednesday na lang daw. Kailangan ko munang magpacheck-up.

Di bale, may libreng oras pa naman kami sa Miyerkules.Magpapacheck-up na nga lang muna ako kasi baka lumala pa ang sakit ko.

Natatakot sila. Baka raw nadengue ako.

Natatakot rin ako.

Baka kasi tusukin ako ng karayom.

Pero pinagalitan ako.Para daw akong bata.

Sa huli, syempre, magulang ko ang nasunod. Kasama ko sina papa at mama papunta sa M.V Santiago.

Mabilis kaming nakapagpalista pagdating doon.

Pang-anim ako sa nakalista.

Nakakahiya.Ako ang pinakamalaki sa mga batang nakapila sa Pediatrician.

Hawak ko ang laboratory request form na binigay ng nurse kanina.

CBC,Platelet count at Urinalysis.

Sabi na nga ba, may blood test.

Kinakabahan ako sa karayom.

Naupo muna kami sa mga upuan sa labas ng room ng doktor na magchecheck-up.

Hihintayin namin siya dahil 1PM pa raw darating.

Nagbasa na lang ako ng ebook sa phone.

Maya-maya, kinalabit ako ni papa.

Andiyan na pala ang doktor.

Lalo akong kinabahan.

Karayom.Karayom.Karayom.

Hindi nagtagal, tinawag na ang pang ika-anim. Ako 'yun. 

Pumasok ako sa loob ng silid na iyon kasama ang mama ko.

Bumungad sa akin ang doktor na mataba. Maliit. Maputi ang buhok.

Masama ang tingin sa akin.

Mas kinabahan yata ako sa kaniya kaysa sa karayom.

Hindi pa man ako nakakaupo, nagsalita na siya.

"No facebook!Bawal magpuyat!No cellphone allowed."

Kinuha niya ang reseta at kung anu-anong pinagsusulat.

"Bilhin niyo 'yan lahat,Pumunta ka na sa laboratory para sa blood test at urinalysis."

Lumabas kami ng silid.

Nagtataka ako sa inasal ng doktor pero mas nagtataka ako sa reaksyon ni mama. 

Parang wala lang.

Dumiretso kami sa laboratory.

Sinalubong ako ng nurse.

"Ikaw ang magpapablood test?"

"Opo."

Nilabas niya ang karayom na kasinghaba ng lapis.

Lalo akong nagulat.

Tatakbo na sana ako pero hinila niya ako pabalik.

Napaharap ako kay---

mama na katabi ko sa upuan.

"Una ang laboratory bago check-up. Para raw pagdating ng doktor, may resulta na ang lab.Tara na."

Tumayo na kami at naglakad papuntang laboratory.

Ngayon pa lang kami pupunta at wala pa talaga ang doktor.

'Yung kanina?Salamat at panaginip lang.

Kinabahan ako sa karayom. 

Singhaba naman kasi ng lapis.Anyare?

----







Wednesday, 21 August 2013

Behind Those Laughter and Smiles

Laughter is the best medicine,” a very famous saying that Filipinos really believe in. This is also one of the reasons why we became different from other races, why the other countrymen admire us and why should we be proud of our nationality.
          June to September is the hardest time for every Filipino. It is the time wherein a lot of storms were coming, plenty of properties were destroyed and several lives were gone. Despite of these tragic events, you can still hear those loud laughter and see those sweet smiles within our fellowmen’s faces. Other countrymen are even asking “how do the Filipinos can bear to laugh and smile after what happened to them?” It doesn’t mean that they are not giving importance to their properties or not treasuring the lives of their relatives, but it’s just that they still want to show their hope and faith. Hope that they are able to start their new life again and faith that God will always give them strength and guidance with their new journey. Filipinos believe that everything happens for a reason. God never gave them a problem that they can’t solve instead it’s just a test of their hope and faith, at the same time; it is also an agent - an agent that will help them in building up their stronger personalities.
          Behind those loud laughter is sorrow; behind those sweet smiles is the feeling of emptiness. However, Filipinos proved that “after the rain, there is always a rainbow.” This is the rainbow that symbolizes their hope, their faith and their new journey. Life is beautiful. It is better if you will enjoy it, because if you’re just going to full yourself with sadness, you will never appreciate how beautiful to live in this world.(The Papyrus)