Thursday, 9 October 2014

She's Dating the Gangster: Wattpad-Published Book-Movie Adaptation



(Photo Source: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg-FCJkc5v8ozBnPe9fcYrP0h3msPcc4bsiEaasZfETrXM2TusATVBekF-pRFoRA106S9PqZN5tu4Ex0Mru1s8FsYjJyhf8wTHQ1_YAQnvLNvaFuqEkLHH7vQQu58Y5GxsHKzPq0gDLHlc/s1600/She's+Dating+The+Gangster.jpg)

She's Dating The Gangster: Wattpad-Published Book-Movie Adaptation


I. INTRODUKSYON

          "I can't breathe."  
           Tatlong salitang tumatak sa bawat puso at isipan ng mga taong nakabasa na ng istoryang She's Dating The Gangster na di kalaunan ay nasaksihan din sa big screen. I can't breathe?Hindi ako makahinga? Oo, 'yan ang ibigsabihin ng mga salitang ito, ngunit, kung ang usapan na ay sina Athena Dizon at Kenji Delos Reyes, iba na. Mabigat. Ito ang mga salitang ginamit bilang katumbas ng "Mahal kita." Matindi ang naging epekto ng istoryang ito sa mga mambabasa. Karamihan ay napaluha,napahagulgol,kinilig,tumawa,nainis,nagalit.Halu-halong emosyon. Ika nga nila, ang SDTG ay isa sa mga libu-libong istorya sa wattpad na nakagawa na ng sariling pangalan. May tatak.Kilala.Pinapahalagahan ng lahat ng mga mambabasa. 
              Marami ng napagdaanan ang istoryang ito. Ngunit, atin munang balikan kung paano ito nagsimula. Ano nga ba ang pagkakaiba ng kwentong She's Dating The Gangster sa wattpad, sa libro at sa pelikula?



(Photo Source:http://33.media.tumblr.com/b14acd6eac55ae7ff0f8f541449cc549/tumblr_mvfjtcTyB61qe02e2o1_500.jpg)

II. SHE'S DATING THE GANGSTER

               Ang kwentong She's Dating The Gangster ay isinulat ng isang 27-year-old writer na si Bianca Bernardino noong taong 2007. Sa katunayan, hindi ito sa wattpad pinakanagsimula. Taon 2007, isulat ito ni Ms. Bernardino sa Candy Mag.com Teen talk. Nang magsimula ang pag-usbong ng wattpad.com sa Pilipinas, inilipat ito ni Ms.Bernardino, taon 2008. Dito rin siya nakilala bilang si SGWannaB-ang kanyang username sa wattpad. 
              Sumikat ang kwentong ito habang patagal ng patagal. Umani ito ng milyon-milyong mambabasa pati na rin ng mga libu-libong boto at mga komento. Ito marahil ang naging susi upang mapansin ang kwentong ito ng isang publication-Summit Media Pop Fiction Books at nagbigyan ng opurtunidad na maisa-aklat, taon 2013.Isinapubliko ito sa lahat ng leading bookstores sa bansa na di kalauna'y naging best seller din.
              Taong 2014,buwan ng Abril, nagsimula ang pagpasok ng wattpad stories sa industriya ng pelikula. Unang naisapelikula ang Diary ng Panget na isinulat ni Paoline Ides o mas kilala bilang HaveYouSeenThisGirl, at sinundan naman ng kwentong ito na ipinalabas noong buwan ng Hulyo sa ilalim ng Star Cinema na kumita rin ng milyon-milyong halaga.Isang patunay na maraming mambabasa ang nagmamahal sa istoryang 'She's Dating The Gangster.'


( Photo Source:
http://www.summitmedia.com.ph/images/articles/201402/sdtgsigning_main3.jpg )










(Photo Source:http://shesdatingthegangster.tumblr.com/page/3)




III. ANG ISTORYANG SHE'S DATING THE GANGSTER

A. PINANGYARIHAN

Southern University - kung saan nag-aaral si Athena, Kenji, Jigs, Kirby, Grace at Sarah bilanng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng sekondarya.
Korea - Kung saan lumaki sina Athena,Sarah at Nathan.
Philippines - Kung saan mag-mamigrate si Athena at mag-aaral.


B: MGA TAUHAN

  
Athena Dizon -Bidang babae. Dugong Pilipina ngunit lumaki sa Korea. Mapagkakamalang si Athena Abigail.
Kenji Delos Reyes - Bidang lalaki. Isang pasaway at ala-gangster na lalaki kung kumilos.
Athena Abigail Tizon - Ex-girlfriend ni Kenji Delos Reyes na gusto niyang balikan. 
Lucas Lazaro - Boyfriend ni Athena Abigail na di kalauna'y magkakagusto rin kay Athena Dizon.
Sarah Jung - bestfriend ni Athena Dizon simula pagkabata.
Grace Matic, Jigs Bala, Kirby Araneta - mga kaibigan ni Kenji Delos Reyes na magiging kaibigan din nina Sarah at Athena Dizon.
Nathan Dizon- Half-brother ni Athena Dizon. 
Pamilya ni Athena
Pamilya ni Kenji Delos Reyes

C. BUOD

Nagsimula ang lahat nang mapagkamalan ni Kenji Delos Reyes si Athena Dizon bilang ang kanyang ex-girlfriend na si Athena Abigail Tizon.Niyaya niya itong makipagkita sa kanya upang makipag-usap at ayusin ang relasyon nila. Sa kabilang banda, dahil walang magawa si Athena sa mga panahong 'yon, sinabi niyang makikipagkita siya kahit ang totoo ay ni wala siyang balak kahit magpakita man lang dahil unang-una, hindi siya si Athena Abigail. Nalaman ito ni Kenji at balak niyang pagbayarin si Athena sa ginawa sa kanya. Nagkataon naman na naging magkaklase sila.

Ayaw na ayaw ni Athena kay Kenji dahil para sa kanya, gangster ito. Nag-iinom, naninigarilyo, palamura at madalas magcutting classes. Ayaw din naman ni Kenji kay Athena dahil nga sa panlolokong ginawa nito sa kanya. Ngunit, naisip ni Kenji na maari niyang utusan si Athena na magpanggap na girlfriend niya sa harap ni Athena Abigail at pagselosin ito upang bumalik sa kanya. Ito ang kabayaran ni Athena sa panlolokong ginawa niya kay Kenji.

Patuloy lang sila sa pagpanggap hanggang sa 'di nagtagal ay nahulog na rin sila sa isa't-isa.

Nakaranas sila ng ilang problema ngunit magkasama nilang hinarap at inayos ito. Masaya sila sa kanilang pagmamahalan maging ang mga kaibigan nila. Nakalimutan na rin ni Kenji ng tuluyan si Athena Abigail.

Ngunit, dumating ang pinakamalaking pagsubok sa buhay ni Athena na makakaapekto rin sa buhay ng mga taong nasa paligid niya lalung-lalo na si Kenji. Nalaman niyang namana niya ang sakit ng pumanaw niyang ina. Ito ang cardio myopathy. Ayaw niayng sabihin ito kay Kenji dahil ayaw niyang mag-alala ito. Mas pinili niyang magsinungaling at sabihing hindi niya talaga mahal si Kenji. Sumama rin siya kay Lucas na boyfriend talaga ni Athena Abigail ngunit may gusto rin kay Athena Dizon.

Samantalang nagbalik rin sa buhay ni Keni si Athena Abigail. Nalaman ni Kenji ang tunay na dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kanya ang babae noon. May sakit rin si Athena Abigail. Stomach cancer. Nalaman ito ni Kenji at mas piniling samahan si Athena Abigail. Ayaw kasing magpa-opera ng babae hangga't 'di niya kasama si Kenji samantalang ayaw rin namang magbalik ni Kenji kay Athena Dizon dahil sa pananakit nito sa kanya.

Sa kabilang banda, ayaw ring magpa-opera ni Athena. Hinayaan niya lamang lumala ang sakit niya kaysa magpa-opera at palitan ang puso niya. Gagaling lang kasi siya kung magpapaheart transplant siya.

Hindi nagtagal ay nalaman ni Kenji ang sakit ni Athena sa tulong ng mga kaibigan niya. Pinagsisisihan niya ang ginawa niyang pang-iiwan kay Athena at binalikan ito. Ipinaliwanang niya rin kay Athena Abigail ang lahat na natanggap din naman ng babae. Gusto na sanang magpa-opera ni Athena, ngunit huli na ang lahat. Kumalat na ang sakit niya at ayon sa doktor, mas lalong mapapaikli ang buhay niya kung ooperahan pa siya.

Hindi matanggap nila Kenji ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Athena ngunit sinulit nila ang mga panahong nananatili silang magkasama kahit nanghihina si Athena. 

Napagdesisyunan ni Kenji na pakasalan si Athena kahit alam niyang siya ang mahihirapan sa huli dahil maiiwan siyang mag-isa.

Pagkatapos ng kasal, ilang linggo lamang ang lumipas bago tuluyang nawala si Athena. Hindi ito matanggap ni Kenji ngnit tinulungan siya ng mga kaibigan nila at ng pamilya niya at ni Athena na lumaban.

Makalipas ng isang taon, nagbalik si Kenji mula sa Jeju island sa Korea na may dalang larawan ni Athena. Doon niya ginugol ang panahon niya sa kanilang anibersaryo. Isa kasi 'yon sa pangarap ni Athena, ang pumunta sa Jeju island kapag isang taon na silang mag-asawa ni Kenji. Tinupad ito ng lalaki kahit siya na lamang mag-isa.

Sakto namang isang taon din ng pagkawala ni Athena ang araw na nagbalik si Kenji galing Korea. May binigay sa kanya ang bestfriend ni Athena na si Sarah. Isa iyong video tape. Ang sabi ni Sarah, binilinan siya ni Athena na ibigay lamang iyon kay Kenji pagkalipas ng isang taon ng pagkawala niya.

Pinanood ni Kenji 'yon sa kwarto ng mag-isa. Parang bumalik ang lahat ng sakit sa puso niya. Nagbalik rin ang ala-ala kung paano sila nagkakilala ni Athena. Lalong nalungkot si Kenji nang sabihin ni Athena sa video tape na "Hindi naman siguro masama kung gustuhin kong sumunod ka na sa akin."

Sinabi ni Athena na isang biro lamang 'yon ngunit walang pag-aatubiling nag-video rin si Kenji para sa pamilya at mga kaibigan niya. Kinuha niya ang boteng matagal-tagal niya ng itinago sa cabinet.

"I love you this much Athena.Eonjena. Yeonwonhee." (Always and Forever). Ito ang huling salitang nagmula kay Kenji.

D. MGA LENGGWAHENG GINAMIT

      Tagalog
      Hangul(Korea)
      English

E. POINT OF VIEW
  
      First Person

IV. WATTPAD VERSION

-Taon 2008 inilipat ni  Ms. Bianca Bernardino ang kwentong She's Dating The Gangster sa wattpad mula sa candy mag.com. Ito ay mayroong 50 chapters bukod ba ang prologue at epilogue.

A. PINANGYARIHAN

     Southern University, Korea, Philippines

B. MGA TAUHAN

     Walang nabago sa mga tauhan sa wattpad. Kumpleto silang lahat at bawat isa ay mayroong sari-saring point of view. Bawat isa rin sa kanila ay may mahalagang parte sa istorya.

C. BUOD

     Ganoon pa rin ang buod ng istorya ngunit mayroon itong tinatawag na mga side stories. Ibigsabihin, hindi lang sina Athena at Kenji ang inikutan ng istorya. Kahit kwento nila ang piinaka-focus, nabigyang pansin pa rin ang buhay ng kanilang mga kaibigan

D. MGA LENGGWAHENG GINAMIT
 
         Tagalog
          Hangul(Korean)
          English

E. POINT OF VIEW

         First Person



(Photo Source: http://www.publishersweekly.com/images/data/ARTICLE_PHOTO/photo/000/020/20814-1.JPG)

-Ayon sa mga mambabasa, maraming ang nakadama ng emosyon sa version  na ito. Marami ang naiyak at mas damang-dama ang bawat eksena.






V. BOOK VERSION

-Taon 2013 nang bilhin ng Summit Media ang copy rights kay Ms. Bernardino upang isalibro ang akda na di kalauna'y naging best seller din. Ito ay mayroon lamang 18 chapters maliban sa prologue at epilogue. Nabanggit kanina na ang kwentong ito sa orihinal na akda sa wattpad ay mayroong 50 chapters. Lagpas kalahati ang nabawas at ito ang mga dahilan.


  • Edited ang nasa libro. Ilang beses itong inedit ng may-akda at ng publisher bago tuluyang inaprubahan.
  • Tinanggal ang mga side stories. Ang kwentong ito ay mas naka-pokus na lamang sa kwento ni Athena at Kenji. Nawala ang ibang anggulo ng istorya.
  • Mas pormal ang nasa libro. Isinalin din ito sa wikang Ingles.
 (Photo Source:http://d.gr-assets.com/books/1387299594l/19540454.jpg)

Tatlong beses naglabas ng iba't-ibang bersyon ng librong SDTG. Una ay itong 18 chapters, sumunod ang extended edition at nagreprint ang Summit Media ng unedited at uncut version(kapareho ng nasa wattpad)noong malapit na itong ilabas bilang pelikula.


A. PINANGYARIHAN

     Southern University, Korea, Philippines

B. MGA TAUHAN

     Kumpleto ang mga tauhan ngunit hindi nabigyang halaga ang iba dahil sa mga pangyayaring tinanggal sa libro na meron sa wattpad. 

C. BUOD

     Ganoon pa rin ang buod ng istorya ngunit tinanggal ang mga side stories. Ang tanging binibigyang panisn nito ay ang kwento ni Athena at Kenji at kung paano nila nilabanan ang mga problemang hinarap nila.

D. MGA LENGGWAHENG GINAMIT

     Ang book version ng She's Dating the gangster ay isinalin sa wikang Ingles ngunit nandoon pa rin ang ilang parte na nagsasalita si Athena ng Hangul(Korean language) dahil siya ay lumaki sa Korea.

E. POINT OF VIEW

      First Person


-Ayon sa mga mambabasa, maganda ang libro ngunit kulang ito sa pagpapadama ng emosyon marahil sa wikang ginamit. Marami sa kanila ang mas nagustuhan ang wattpad version. Maraming ring senaryo ang tinanggal sa wattpad pagdating sa libro, kung kaya't ang ilan ay nadismaya. Gayunpaman, marami pa rin ang tumangkilik sa libro.


( Photo Source: http://www.wattpad.com/22665131-rants-%E2%9C%94 RANTS by SushiMariaaa)

VI. MOVIE ADAPTATION



(Photo Source:http://philnews.ph/wp-content/uploads/2014/07/Shes-Dating-The-Gangster-Poster.jpg,https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEguILBVH2qYvq7nVRV-po06SdabgQ9N1JtC_erqd09IGcmfWy5HCpV2cEits_MZUjdN9spgx-BEtkRyNLrHeaGvOWBoji9-VM4_yn0uLHDpCXJCd5_m-R04e61KUGfsXAa4U4AxDEHR41Y-/?imgmax=800)

-Taon 2014, nito lamang buwan ng Hulyo, ipinalabas sa lahat ng sinehan ang movie adpatation ng akdang She's Dating The Gangster na umani rin ng milyun-milyong kita.

-Sa katunayan, marami ang nababahala bago ipalabas ang pelikula sapagkat napakaraming binago. Magmula sa buod ng kwento hanggang sa pinka-konsepto.

A. PINANGYARIHAN

     Hindi binanggit ang eskwelahan nila Athena sa pelikula ngunit pinakita na magkaklase sina Kenji at Athena. Karamihan pa rin naman sa mga senaryo ay kinuhanan sa eskwelahan. Tinanggal ang mga pangyayaring naganap sa Korea at ginawang puro Pilipinas ang pinangyarihan.

B. MGA TAUHAN

    Naroroon pa rin naman sa pelikula ang mga tauhan ngunit mayroon din silang dinagdag. Ito ay sina:

     Kenneth Delos Reyes- anak ni Kenji Delos Reyes kay Athena Abigail Tizon.
     Kelai Dizon- pamangkin ni Athena Dizon.


C. BUOD

       Malaki ang naganap na pagkakaiba sa buod ng pelikula kaysa sa buod ng istorya mula sa wattpad at libro, ngunit naroroon pa rin ang komplikasyon na mayroon sakit si Athena Dizon at Athena Abigail.

      Sa pelikula, sinumulan nila ang istorya sa kasalukuyang nagaganap. Hindi inaasahang magkikita sina Kelai at Kenneth. Makilala ni Kelai si Kenneth at siya ang magkukwento dito ng naging "love story" ng kanyang tiya at ng ama ni Kenneth na si Kenji.

     Hindi rin agad namatay si Athena ngunit lumayo lamang siya kay Kenji. Nauna pang mawala si Athena Abigail kaysa kay Athena Dizon. 

    Sa wattpad at libro, hindi rin alam ni Athena na may sakit siya, ngunit sa pelikula, alam niyang 'yun ang magiging problema.

      Namatay pa rin sa huli si Athena Dizon nang muli silang magkitra ni Kenji Delos Reyes, ngunit, hindi sumunod ang lalaki sa kanya bagkus ipinagpatuloy ang buhay ng masaya kasama ang kanyang anak na si Kenneth na siya namang nahulog sa pamangkin ni Athena Dizon na si Kelai.

D. MGA LENGGWAHENG GINAMIT

      Tagalog, English 

E.KONSEPTO

     Inamin ng may-akda na si Bianca Bernardino na na-inspire siyang sumulat dahil sa mga koreanovelas kaya naman kapansin-pansin rin ito sa istorya. 'Bad boy' ang imaheng binuo niya kay Kenji na marami naman ang nagkagusto, ngunit, marami rin ang nadismaya ng piliin ng direktor na gawing 70's 80's ang tema ng pelikula. Marami pa ngang nagsasabi na 'albularyo' ang nasa pelikula at hindi gangster.

SHE' DATING THE GANGSTER FULL TRAILER


- Noong una,naging sandamakmak ang bashers ng SDTG dahil sa mga pagbabagong ginawa sa kabuuan ng istorya ngunit nabago rin naman ito noong mapanood nila ang pelikula. Naging matagumpay pa rin ito at pumatok sa takilya. Marahil, nabigyang buhay pa rin ng mga aktor/aktres ang mga imaheng binuo lamang ng may-akda sa isipan ng mga mambabasa noon.


VII. KONKLUSYON

            -Hindi na maiaalis ang pagpuna ng mga tao sa bawat bagay.Maging ang istoryang She's Dating The Gangster ay hindi nakaligtas. Ngunit, iisa lang ang tiyak. Basta't minahal nila ang isang bagay, susuportahan at susuportahan pa rin nila ito hanggang sa huli. Oo nga't maraminng binago sa kwento ng dahil sa pagsasalin-salin nito, dumami ang haters, marami ang nagsasabi ng kanilang pagkadismaya, pero sa huli tinanggap pa rin nila. Sa mga ganitong pagkakaraon, lalo na sa mga libro o kwentong isasalin mo gagawing pelikula, nakadikit na ang mga komento ng iba't-ibang tao. Ngunit, kahit anong mangyari, mababago at mababago pa rin 'yan sa huli.




(Photo Source: https://c2.staticflickr.com/4/3807/12642420804_b25a36c2c1_z.jpg)


1 comment:

  1. thank you this is going to be so helpful for me <3

    ReplyDelete